Miyerkules, Marso 1, 2017




I. Buod


Pagkagising ni juli ay agad pinuntahan ang kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang alamin kung ibinigay ba ang hiniling niya.Nagkasiya na lamang na aliwin ang sarili nang walang himal naganap inayos ang damit na dadalhin sa pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang dahil ang Pasko ay para sa mga bata, kaya ang mga ina ay binibihisan ng magara ang kani-kanilang anak upang magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang upang mamasko. Nang tangkan ni Tandang Selo na batiin ang mga kamag-anak na dumalaw sa kaniya upang mamasko, laking gulat niya na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tinang niyang pisilin ang lalamunan, pihitin ang leeg , sinubukang tumawa subalit kumibutkibot lamang ang kanyang mga labi at siya ay nanatiling napakalungkot kahit na pasko na. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi ang matanda.


II. Tauhan 


Juli - Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio at himingi ng salapi at naghintay sa himala ng birhen 

Tandang Selo - Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo at sa sobrang kalungkotan niya sa pasko ay naging pipi siya.

Hermana Penchang - Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.


III. Suliranin ng Kabanata


    Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Juli at napipi si Tandang Selo dahil sa labis na kalungkotan kahit na ang pamagat ng kabanata ay maligayang pasko ay sa kabanata ay mapait ang kanilang nadaranas kasi may nangyaring masama at hindi nila nakuha ang mga hinihiling nila.


IV. Isyung Panlipunan


     Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Juli ng Salaping inaasahang ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa. Ang pagkapipi ni Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis ng karapatan ng mga Pilipino maging malaya. 


V. Gintong Aral      


   Tunay nga namang Pasko na ngunit sa dami ng ating iniisip sa ating paghahanda,pagkuha at paghingi ng regalo ay dapat hindi malimutan ang tunay na diwa ng Pasko sa ating pagkaligaw sa konsumerismong pananaw.  At paminsan-minsan nga naman ay kailangan nating mapaalalahanan na ang pinakadahilan ng Pasko ay ang kapanganakan ni Jesus ang pinakapuso ng Pasko ay ang belen at ang tunay na diwa ng Pasko ay pagdiriwang ng buhay at ng pamilya. Dapat natin ilagay sa ating isip na kung may hiling tayo sa may kapal ay gawin natin ang ating dapat gawin para makuha ito, hindi dapat tayo maghintay ng may himala na mangyari kasi nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa.  

3 komento:

  1. May natanggap bang regalo sina Tales?

    TumugonBurahin
  2. Bet9ja launches online casino in Tanzania
    Live Casino Bet9ja is an online casino software provider with an average rating of 온카지노 1.3, meaning that it is considered very popular in Tanzania.

    TumugonBurahin
  3. Best Betting Sites in New Jersey 2021 - jtmhub.com
    Online sports 안양 출장샵 betting and iGaming is 계룡 출장마사지 now available in a state that already has legalized sports betting 영주 출장안마 in 남양주 출장샵 sports betting is a new trend 전라남도 출장안마 in the industry

    TumugonBurahin